Add parallel Print Page Options

Ang bawat isa sa apat na buhay na nilalang ay may anim na pakpak sa kaniyang sarili. Puno ng mga mata sa buong palibot at sa loob nila. At hindi sila tumitigil araw at gabi sa pagsasabi ng:

Banal! Banal! Banal! Panginoong Diyos na Makapang­yarihan sa lahat. Siya ang nakaraan, ang kasalukuyan, at ang darating.

At nang ang mga buhay na nilalang ay magbibigay papuri at karangalan at pasasalamat sa kaniya na nakaupo sa trono na siyang nabubuhay magpakailan pa man. 10 Ang dala­wampu’t apat na matanda ay magpapatirapa sa harapan ng nakaupo sa trono. Sasambahin nila ang nabubuhay mula sa kapanahunan hanggang sa kapanahunan. At ilalagay nila ang kanilang mga putong sa harapan ng trono.

Read full chapter